About

Ilang taon na nila akong tinatawag na madam. Hindi naman kataasan ang posisyon ko sa trabaho pero ultimo yung pa-cool boss namin “madam” ang tawag sa akin. In fairness, kinilig naman ako noong una.

Kaya lang noong isang araw, may nakita akong memé. Ang ibig sabihin daw ng “madam” ay madaming alam, madaming utos, madaming reklamo, madaming satsat. Pucha, kaya pala parang palaging labas sa ilong nila yung “Yes, madam” ‘pag inuutusan ko silang mag-OT bago alas-kwatro.

Mga hinayupak na yon. Akala nila, iiyak ako sa isang tabi. Edi pag tawanan nila ko. Keber, it’s just a label. Charot! And I’m willing to embrace it!

Also, naisipin kong mag-blog kasi madame talaga akong satsat, pwede ako makapag-publish ng libro. Joke. Mas doable ang magpublish ng blog kaya dito na lang muna ako.