5 new corruption issues na nadiskubre ni Senator Ping Lacson sa New Bilibid Prison

Aaminin ko, mga mamser. Medyo nag-take ako ng break sa pagmonitor ng balita bilang ang daming ganap sa buhay ko last week. (Wuw, nuks!) Kaya na-shock din ako sa mga issue na namiss ko pagbalik ko. Lalo na tungkol sa issue may patungkol sa pang-aabuso sa bagong pasang Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law.

Wala pang isang buwan since maunsyami ang nakatakdang paglaya ni ex-Calauan Mayor Antonio Sanchez pero wala pa rin tayong nakikitang pagbagal sa Senate investigations tungkol dito.

At kahit ba ilang araw pa lang ang nakakalipas simula nang sundin ni PDutz ang panawagan ni Senator Ping Lacson na sibakin sa pwesto si Bureau of Corrections (BuCor) chief Nicanor Faeldon, mukhang hindi pa rin tapos ang trabaho ng dating PNP chief. Ibahin nyo si idol! Walang awat pa rin sya sa pag-eexpose ng mga kabulastugang nangyayari sa likod ng rehas sa National Bilibid Prison (NBP).

Hindi rin kataka-taka na si Senator Ping Lacson pa rin ang dahilan kung papaano naisapubliko itong mga bagong issue na may kinalaman sa mga pagpapalaya ng convicts sa NBP.

So, if you’re living under a rock like me, bukod sa ilang suspects sa Chiong Sisters Rape/Murder case, 7 Chinese drug lords at 48 drug convict na kasama sa mga 1,914 convicts of heinous crime na napalaya na by citing GCTA Law, ito pa ang mga bagong issues na nadiskubre at gustong sulusyunan ni Senator Ping Lacson at Senate Blue Ribbon committee:


1. Facebook behind bars

Nitong Lunes, sinabi ni Senator Ping Lacson na maraming inmates ang nakakapag-surf sa internet dahil ilang gwardya ang naniningil ng P100 to P200 sa mga nanakulong para makapag-smuggle ng mga cellphones, gadgets, pati na rin droga at mga baril sa loob ng kulungan.

Ilan sa mga nakakapag-post pa ng selfies mula sa loob ng kulungan ay ang mga pumatay sa cardealer na si Venson Evangelista na natagpuang patay noong 2012.

Nakakahiya! Alam kaya ng mga taga NBP at BuCor ang litratong pinopost ng mga kliyente nila sa social media? Another failure of security kung hindi at kung alam nila, mas nakakagalit iyan. Dahil lantaran at walang hiya nilang pinababayaan na mamuhay na parang malalayang tao ang mga convicts na tinanggalan ng pribilehiyong iyan in the first place.


2. P2-million admission fee at New Bilibid Hospital


Sa pagbubukas ng Senate probe sa GCTA Law kahapon, ibinunyag ni Senator Ping Lacson na maraming preso ang nagbabayad ng mula P200,000 para lang makapagpa-confine sa NBP Hospital. Meron ding ilang naglalabas ng P2 million makapasok lang sa ospital kahit wala naman silang karamdaman para lang maranasan ang mas maluwag na security doon.

Dagdag pa nya, nagbabayad din ang mga presong ito ng additional P30,000 sa ilang officials ng NBP. Kelangan malaman ng gobyerno kung sino ang mga inmates na ito, patawan ng dagdag na parusa, at idisqualify nang tuluyan sa GCTA Law.

Hindi rin mangyayari iyan kung walang mga doktor na nagcertify ng mga sakit-sakitan ng mga convicts na yan. Kaya dapat lang na ipatawag at parusahan din sila. Pag napatunayan ang involvement nila, tanggalan ng lisensya at pensyon, wag nang pagtrabahuhin sa government agencies, at sampahan ng kaso.


3. P1.5-million payment to Bilibid mafia

Inulit din ni Senator Ping Lacson ang ilang alegasyon ni Yolanda Camelon, isa sa mga Senate witnesses na nahingan ng P100,000 libo para mapalaya ang kanyang asawa. Dagdag pa ng veteran Senator na isang malaki at organized na mafia sa BuCor ang may pakana ng paniningil ng mula P50,000 hanggang P1.5 million kapalit ng maagang paglaya ng mga inmates based on good conduct credits.

Tila hindi sila nauubusan ng gimik. Kailangan may managot dito kahit na napatalsik na si Faeldon sa kanyang pwesto.


4. Transfer of high profile inmates from NBP to Marines


Sa dokumentong nakalap ni Senator Ping Lacson, inaprubahan ni Faeldon ang paglipat ng 10 preso mula sa Building 14 ng NBP to the Philippine Marine Barracks sa Fort Bonifacio, Taguig noong June 12, 2019. Ayon sa senador, mukha itong iregular at lumalabas na pribilehiyong inextend sa 10 kosa. Lalo na’t 7 dito ang naging saksi at nagpatunay sa alleged involvement ni detained Senator Leila de Lima sa drug trade sa NBP nong sya ay DOJ secretary pa lamang.

Hmmm. Mukhang napapaghalatang napag-utusan lang ang mga ito para maipakulong si Senator De Lima ha. Hindi naman maikakaila na mas maganda ang facility ng detention cell sa Philippine Marines kaysa sa maximum security sa NBP at ang transfer doon ay obvious na reward.

Kung totoo nga ito, mukhang may mas malaki pang mastermind dito kaysa kay Faeldon. Lalo pa nong sinabi nyang “I am a Marine: I do what I am told” nong sinibak sya sa pwesto noong isang linggo. Ibig sabihin, merong nakakataas na opisyal sa Duterte administration na pinapayagan or worse, inaabuso ito.


5. Shabu jamming with inmates

Bukod sa GCTA-selling racket, may impormasyon ding nakalap si Senator Ping Lacson na nagpapatunay sangkot ang BuCor officials sa drug trade sa loob ng NBP. In fact noong Lunes lamang, pinaratangan nya na nakikipag-jamming pa sa pagshashabu si BuCor legal division chief Fredric Anthony Santos kasama ng mga inmates sa loob ng Building 14 ng NBP.

Kung mapapatunayan yan ni Senator Ping Lacson, kitang kita na hindi naresolbahan ng pagkakakulong ni Senator Leila De Lima ang sinasabing drug trade sa NBP. At kelangan nang may mapatalsik at maipakulong din ang iba pang opisyal ng BuCor — past or present — na mapapatunayang may kinalaman dito bukod kay De Lima at Faeldon. Simulan natin kay Santos at kay Senator Bato.




Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s